NOLCOM chief Salamat, itatalaga ni Pangulong Duterte bilang susunod na MWSS administrator

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Northern Luzon Command (NOLCOM) na si Lt. Gen. Emmanuel Salamat bilang susunod na administrator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sa talumpati sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Cavite, inanunsiyo ni Duterte ang ipatutupad na appointment kay Salamat.

Nakatakdang magretiro si Salamat sa July 15, 2019.

Papalitan ni Salamat si retired general Ricardo Morales sa nasabing posisyon.

Read more...