Ex-Bayan Muna Bicol head, patay sa pananambang sa Naga City

By Angellic Jordan June 17, 2019 - 04:14 PM

Patay sa pamamaril ang dating regional head ng Bayan Muna para sa probinsya ng Bicol sa Naga City, Lunes ng umaga.

Patungo sana ang biktimang si Neptali Morada, 40-anyos, sa Camarines Sur Capitol Hall sa Pili nang biglang barilin ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Barangay San Isidro bandang 7:30 ng umaga.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa krimen.

Si Morada ay nagsilbi bilang campaign committee head ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Ani Bayan Bicol public information officer Vince Casilihan, umalis si Morada sa grupong Bayan taong 2000.

Nagtrabaho rin ito bilang staff ni dating Vice Governor Ato Peña.

Ayon kay Staff Master Sergeant Tobias Bongon, tagapagsalita ng Naga City police, nagsasagawa na ng choke police operation at flash alarm laban sa mga suspek.

Naganap ang pamamaril kay Morada dalawang araw matapos patayin ang dalawang staff member ng human rights group na Karapatan.

TAGS: 40-anyos, Ex-Bayan Muna Bicol head, Naga, Neptali Morada, 40-anyos, Ex-Bayan Muna Bicol head, Naga, Neptali Morada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.