Pamilya ni Atio Castillo, magsasampa ng karagdagang kaso laban sa Aegis Juris Frat members

By Angellic Jordan June 17, 2019 - 04:30 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Magsasampa ng karagdagang kaso ang pamilya ng biktima ng hazing na si Horacio “Atio” Castillo laban sa iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Sa isang panayam, sinabi ng ina ni Atio na si Carminia na magsasampa sila ng kaso sa mga inilahad na pangalan ng kanilang witness.

Aniya, mayroon kasing nabanggit na pangalan na kasama umano sa plano at isinagawang final rites ngunit hindi napabilang sa naunang inihaing kaso.

Kabilang aniya rito ang mga miyembro ng fraternity na nag-usap sa group chat kung paano pagtatakpan ang pagkamatay ng law student.

Unang nahatulang guilty si John Paul Solano sa obstruction of justice ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14.

TAGS: aegis juris fraternity, atio castillo, aegis juris fraternity, atio castillo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.