10 sugatan sa aksidente sa Occidental Mindoro
Sugatan ang sampung pasahero ng van sa aksidente sa Sablayan, Occidental Mindoro Lunes ng umaga.
Kabilang sa mga nasugatan ang drayber ng van at dalawang menor de edad.
Binabagtas ng van na may plakang NCR 3144 ang National Highway sa Barangay Ligaya nang biglang sumabog ang isa nitong gulong dahilan para tumaob ang van.
Agad rumesponde ang rescue teams mula sa Sablayan at Calitaan sa pinangyarihan ng aksidente.
Isinugod ang mga sugatan sa San Sebastian District Hospital at Sablayan District Hospital.
Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad mula sa Sablayan Municipal Police Station ang aksidente.
Inaalam rin kung may prangkisa ang van mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.