Construction worker patay matapos saksakin sa Iloilo City

By Mary Rose Cabrales June 17, 2019 - 02:30 PM

Nasawi ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang katrabaho sa Iloilo City, Linggo ng gabi (June 16).

Nakilala ang biktima na Jessie Pacalingga, 56 taong gulang na natagpuan sa isang ipinapagawang apartment sa Barangay Baldoza, La Paz district.

Naaresto naman ang itinuturong suspek sa krimen na kanyang katrabaho na kinilala sa alyas “Jun” na napag-alaman din na dati nang nakulong ng walong taon dahil sa kasong murder. .

Ayon sa kasamahan ng biktima at suspek, nagkapikunan umano ang dalawa habang nag-iinuman.

Inakala niyang tapos na ang away ngunit sinundan ni alyas Jun si Pacalingga sa kwarto at doon pinagsasaksak.

Nagtamo ang biktima ng anim na saksak na ikimatay nito.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Umamin naman ang suspek na napikon siya sa biktima kaya niya nagawa ang krimen.

Sa ngayon nahaharap ang suspek sa kasong murder.

TAGS: dead on arrival, iloilo city, sinaksak ng katrabaho, dead on arrival, iloilo city, sinaksak ng katrabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.