NBI inatasang magsagawa ng imbestigasyon sa iba pang sangkot sa bogus claim sa PhilHealth
Ipinag-utos na ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation sa iba pang medical establishment na sangkot din sa ghost patient scam.
Ayon kay Guevarra, nagbigay na ito ng direktiba sa NBI na agad makipag-ugnayan sa PhilHealth para sa imbestigasyon sa iba pang dialysis center na sangkot sa naturang scam.
Sinabi ng kalihim na maliban sa WellMed Dialysis Center ay lumalabas na mayroon pang ibang dialysis center na sangkot sa P154 billion PhilHealth bogus claims.
Pero hindi na muna pinangalanan ni Guevarra ang mga dialysis centers, clinics maging ang ilang hospital na sangkot sa katiwalian.
Una rito, lumutang sina dating WellMed Asst. Branch Manager Edwin Roberto at PhilHealth officer Liezel Santos para ibunyag ang ghost dialysis scam na isinasagawa ng WellMed.
Inamin ni Santos na siya mismo ang namemeke sa pirma ng mga ghost patients pero dahil na rin sa direktiba ni Bryan Sy na isa sa may-ari ng WellMed.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.