Pilipinas hindi alipin sa China – Malakanyang

By Chona Yu June 17, 2019 - 12:56 PM

Hindi alipin ang Pilipinas sa China.

Tugon ito ng Malakanyang sa pahayag ni Felix Dela Torre, ang may-ari ng bangka ng mga Filipinong mangingisda na binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank na alipin ang Pilipinas sa China at walang karapatan sa sariling nasasakupan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailanman ay hindi alipin ang Pilipinas sa alinmang bansa kahit pa sa China.

Ayon kay Panelo, mali na nasa teritoryo ng Pilipinas ang Chinese fishing vessel.

Gayunman, sinabi ni Panelo na hanggang ngayon, hindi pa naman matiyak kung nangingisda sa RBank ang Chinese fishing vessel.

Mas makabubuti aniya na hintayin muna na matapos ang ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas at China ukol sa nasabing insidente.

TAGS: China, Palace, philippines, China, Palace, philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.