China lumabag sa itinatadhana ng isang kasunduan matapos hindi sagipin ang mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank

By Erwin Aguilon June 17, 2019 - 12:50 PM

Nanindigan si House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon na nilabag ng China ang itinatakda ng International Convention on Safety of Life at Sea kung saan ay isa ito sa mga signatories.

Ayon kay Biazon, nakasaad sa SOLAS na obligado ang mga kapitan ng sasakyang pandagat na tulungan ang mga distressed vessels o bangka.

Sa kaso aniya ng Chinese vessel sa Recto Bank, ito mismo ang nagdulot ng distress sa naka-angklang bangka ng 22 mangingisdang Pinoy at ang masaklap ay inabandona pa sila.

Ang paglabag sa SOLAS ay malinaw na anyang basehan para masabing sinadya talaga ang pagbangga ng vessel sa bangka.

Paliwanag pa ni Biazon, dito na masusukat ang sinseridad ng China sa malayang paglalayag sa international waters dahil kung kukunsintihin nila ang inasal ng Chinese crew ay matatawag na itong panggigipit sa mga kapitbahay na bansa.

Inihalintulad naman ng kongresista sa motoristang naka-hit and run sa kalsada ang palusot ng Chinese government na natakot silang kuyugin ng mga nakapaligid sa kanila.

TAGS: Chona, Recto Bank, Chona, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.