Mga maling kwento sa Recto Bank incident dapat tigilan na ayon kay Piñol

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz June 17, 2019 - 12:38 PM

DA Photo
Umapela si Agriculture Secretary Manny Piñol na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa pangyayari sa Recto Bank sangkot ang barko ng China at bangkang pangisda ng mga Filipino fishermen.

Iniharap sa media ni Piñol si Richard Blasa ang kusinero sa F/B GEM-VER 1, na siyang tanging gising nang mangyari ang pagbangga sa kanila ng barko ng China.

Ayon kay Blasa totoong binangga sila at pinaikutan pa at ilang bses inilawan.

Sinabi ni Piñol na itigil na dapat ang pagpapakalat ng mga balitang gawa-gawa lamang ang kwento sa Recto Bank para magalit ang Pilipinas sa China.

Mas lalo aniyang natatakot at nagkakaroon ng trauma ang mga mangingsdang sakay ng bangka dahil sa mga pekeng balitang kumakalat.

Samantala, nagbigay na ng tulong ang DA sa mga mangingisdang apektado dahil matatagalan bago nila magamit ulit ang kanilang nasirang bangka para makapangisda.

Makikipag-ugnayan din ang DA sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa psycho-social intervention ng 22 mangingisda.

TAGS: F/B Gem-Ver1, Recto Bank, F/B Gem-Ver1, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.