Ama patay, 2 anak sugatan sa pananambang sa Cebu

By Jimmy Tamayo June 17, 2019 - 12:02 PM

Nauwi sa trahedya ang Father’s day celebration ng mag-aama makaraang pagbabarilin ang kanilang sasakyan sa Mandaue, Cebu Linggo (June 16) ng gabi.

Patay ang 51-anyos na si Fi Yeng Guo Yang habang sugatan naman ang dalawang anak nito nang paulanan ng bala ng 4 na lalaking sakay ng 2 motorsiklo ang sinasakyan nilang van ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay sa Barangay Cubacub.

Hindi pa alam ang motibo sa pamamaril sa mga biktima kung personal o may kinalaman sa negosyo.

Nabatid na nagmamay-ari ang pamilya ng ilang tindahan sa Mandaue at Consolacion.

TAGS: ambush, cebu, Father's Day, sunday, ambush, cebu, Father's Day, sunday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.