Moratorium sa planong dagdag kontribusyon sa SSS at PhilHealth ipinanawagan
Hiniling ng iba’t ibang grupo sa gobyerno ang moratorium o tuluyan nang huwag ipatupad ang planong pagtaas sa premium contributions ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Sa pulong balitaan sa Maynila, nagkasundo ang Blas Ople Policy Center, Philippine Association of Service Exporters Inc. O PASEI, at Joint Manning Group O JMG na tutulan ang SSS at PhilHealth premium hikes, na makakaapekto sa mga Pinoy worker, “new hires” man at mga balik-manggagawa.
Ayon kay PASEI Vice President Raquel Bracero, ang mandatory collection ng bagong SSS at PhilHealth premium hikes ay malaking dagok sa mga OFW at lalong nagpapahirap sa kanilang hanay.
Giit naman ni dating Chairman ng PASEI na si Lito Soriano, walang dahilan para mangolekta ng SSS at PhilHealth premium hikes sa mga bagong-manggagawa dahil hindi pa naman sila nagtatrabaho at wala pa naman silang kinita.
Ayon naman kay Susan Ople, na dating labor undersecretary, ang dagdag-premium ay malaking kabawasan sa sana’y kita o kaya’y pambili man lang ng pasalubong ng mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay.
Puna pa ni Ople, walang konsultasyon na nangyari sa hanay ng mga OFW at mga pamilya nila, hinggil sa premium increase ng SSS at PhilHealth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.