2 hinihinalang terorista na miyembro ng Daulah Islamiyah naaresto sa Quezon City

Arestado sa Tandang Sora sa Quezon City ang dalawang hinihinalang miyembro ng teroristang grupong Daulah Islamiyah.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Gen. Oscar Albayalde ang mga suspek ay sina Arnel Flores Cabintoy at Feliciano Mañas Sulayao.

Kapwa sila nadakip sa operasyon ng pulisya noong Sabado.

Sa ngayon sinabi ni Albayalde na wala pang linaw kung ang dalawa ay nagpaplano ng pag-atake kaya sila nandito sa Metro Manila.

Pero ayon kay Albayalde ang dalawa bahagi ng “support groups” noong kasagsagan ng Marawi siege taong 2017 gayunman, kapwa umatras ang dalawa noong naging mainit na ang bakbakan.

Mahaharap sila sa kasong illegal possession of explosives.

Read more...