Kamara dapat matuto na sa nangyari kudeta kay dating Speaker Alvarez

By Erwin Aguilon June 17, 2019 - 10:59 AM

Naniniwala si Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon na dapat matuto na ang Kamara sa nangyaring pagpapalit ng liderato sa pagpasok ng Third Regular Session ng 17th Congress kung saan napatalsik sa pagka-Speaker si Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Leachon, magsisilbing aral ang pagkakaluklok kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa speakership para piliin ang lider na magbubuklod sa mga mambabatas at hindi para magkawatak-watak sa pagsusulong ng reporma ng administrasyong Duterte.

Ibabase aniya ang House leadership sa personalidad ng kandidato na marunong makinig at umintindi sa pangangailangan at sentimiyento ng mga kapwa-kongresista nang walang halong pulitika at kung ano ang adhikain nito sa pagtakbo bilang susunod na Speaker.

Idinagdag rin ni House Majority Leader Fredenil Castro na mahalaga ang “acceptability” o pagtanggap ng mga mambabatas sa sinumang kandidato na mapipili dahil dito masusukat ang kalidad ng pagiging pinuno.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Munir Arbison na wala siyang nakikitang problema sa mga nagpahayag ng interes sa speakership gayong lahat naman sila ay malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sakaling hindi mag-endorso o makialam ang pangulo ay mas malaki ang tsansa ng kandidatong suportado ng mayorya at kung ang kasalukuyang sitwasyon ang pagbabatayan, lamang na umano sa numero si incoming Leyte Rep. Martin Romualdez.

TAGS: House of Representatives, house speaker, Radyo Inquirer, House of Representatives, house speaker, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.