Mga kumpanya ng langis inanunsyo na ang halaga ng ipatutupad na price hike

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2019 - 10:50 AM

Nag-anunsyo na ng ipatutupad na oil price increase ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Shell at Seaoil, mayroong dagdag na 35 centavos sa kada litro ng gasolina, 20 centavos sa kada litro ng diesel at 25 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang Petro Gazz at PTT naman ay may parehong halaga ng dagdag sa presyo ng gasolina at diesel.

Epektibo ang dagdag presyo bukas, araw ng Martes, June 18 alas 6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ng parehong halaga ng dagdag presyo ang iba pang mga kumpanya.

Ang panibagong oil price increase ay matapos ang tatlong magkakasunod na rollback ng mga kumpanya ng langis.

TAGS: diesel, gasoline, oil price, oil price hike, Radyo Inquirer, Seaoil, Shell, diesel, gasoline, oil price, oil price hike, Radyo Inquirer, Seaoil, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.