Angat dam posibleng umabot sa 160-meter critical level sa susunod na apat na araw

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2019 - 09:54 AM

Kahit may nararanasan nang mga pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan hindi ito nakatutulong upang madagdagan ang water level sa mga dm

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., sinabi nitong patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam at malapit nang maabot ang critical level nito for domestic use.

Ang mga pag-ulan na nararanasan kasi aniya nitong nagdaang mga araw ay hindi umaabot sa water shed ng Angat Dam.

Sinabi ni David na kung magpapatuloy ang kasalukuyang sitwasyon na walang pag-ulan na mararanasan sa bahagi ng Angat dam ay aabot pa sa 160-meter level ang antas ng tubig sa naturang dam sa susunod na 4 na araw.

Ang 160-meter level ang itinuturing na critical level for domestic supply.

Hindi rin isinasantabi ng NWRB ang posibilidad na na maulit ang nangyari noong taong 2010 kung saan umabot pa sa 157 meters ang water level sa Angat dam.

TAGS: 160 meter, Angat, critical level, dam, water level, 160 meter, Angat, critical level, dam, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.