Sunog sa residential area sa Tondo Maynila umabot sa Task Force Alpha

By Ruel Perez December 17, 2015 - 08:58 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Tinupok ng apoy ang residential area sa barangay 108 sa Capulong Tondo Maynila, ngayong umaga (December 17).

Nagsimula ang sunog alas 4:36 ng umaga at agad itinaas sa Task Force Alpha pasado alas 5:00 ng umaga.

Ayon kay Manila Fire Marshal Col. Jaime Ramirez, mahigit 50 kabahayan ang naapektuhan ng sunog na nakaapekto sa tinatayang 100 pamilya.

Sa inisyal na imbestigasyon, sa bahay umano ng isang Boy Albay na kagawad ng barangay nagsimula ang sunog pero hindi pa matiyak ang pinagmulan ng apoy.

Nagsimbang gabi umano si Albay sa simbahan ng Tondo kasama ang kaniyang pamilya nang sumiklab ang apoy. Hinihinalang faulty electrical wiring at mga ilegal na koneksyon ang pinagmulan ng sunog dahil na rin sa sala-salabat at mala-spaghetti na koneksyon ng linya ng kuryente.

Ayon kay Albay, wala naman silang naiwang gamit na nakasaksak.

Wala naman naiulat na nasaktan maliban kay Erlinda Manzo, 53 anyos, na kinakailangan ng medical assistance at kinabitan ng oxygen matapos mahirapang huminga.

Sa pagtaya ng arson investigators, aabot sa mahigit P1 milyon ang structural damages ng naganap na sunog.

TAGS: fire hits tondo manila, fire hits tondo manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.