Yellow alert iiral sa Luzon Grid dahil sa manipis pa ring reserba sa kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2019 - 08:28 AM

Muling iiral ang yellow alert ngayong araw sa Luzon Grid.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.

Ang pag-iral ng yellow alert ay mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw, June 17.

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng rotational brownout.

Pero payo ng NGCP sa publiko, magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa kasagsagan ng pag-iral ng yellow alert.

TAGS: luzon grid, ngco, Radyo Inquirer, Yellow Alert, luzon grid, ngco, Radyo Inquirer, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.