Kotse bumaligtad sa Maynila, 2 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2019 - 08:14 AM

Contributed Photo
Dalawa ang nasugatan sa aksidente na naganap sa Padre Burgos Avenue kanto ng Ma. Orosa, sa Ermita, Maynila sangkot ang isang kotse.

Binangga ng kulay puting kotse ang center island sa lugar at tuluyang bumaligtad.

Ayon sa driver ng kotse na si Greg Pinoon, nakatulog siya at nagulat na lamang na nabangga na niya ang center island.

Dalawa ang nasugatan sa aksidente kabilang ang isang street sweeper.

Sa kasagsagan ng clearing operations sa bumaligtad na kotse, ay dalawang kotse pa ang nagkasagian sa lugar.

Dahil sa magkasunod na aksidente nakaranas ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic kahabaan ng Padre Burgos at sa Maria Orosa.

TAGS: accident, Ermita, maria orosa, Padre Burgos, self accident, accident, Ermita, maria orosa, Padre Burgos, self accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.