Pahayag ito ng palasyo matapos ang insidente ng banggaan ng Chinese fishing
Vessel at bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na agad na ipagbigay-alam ng mga mangingisda sa mga otoridad kapag mayroong makikitang unusual sa lugar na maaring magkaroon ng kalakaran kung saan ang kanilang kaligtasan ay malalagay sa alanganin.
Sa ngayon, hinihintay pa ng palasyo ang tugon ng China kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Ayon kay Panelo, hindi pinupulitika ng Malakanyang ang insidente sa Recto Bank nang maghain ng diplomatic protest bagkus ay dismayado lamang dahil sa pag-abandona ng Chinese crew sa mga Filipinong mangingisda sa gitna ng karagatan.
Malinaw kasi na paglabag ito sa United Nations Convention Law on the Seas.