Mga mangingisda na pumapalaot sa West PH Sea pinag-iingat ng Malakanyang

By Chona Yu June 17, 2019 - 08:08 AM

Hinihimok ng Malakanyang ang mga mangingisdang pumapalaot sa West Philippine Sea na maging maingat.

Pahayag ito ng palasyo matapos ang insidente ng banggaan ng Chinese fishing
Vessel at bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na agad na ipagbigay-alam ng mga mangingisda sa mga otoridad kapag mayroong makikitang unusual sa lugar na maaring magkaroon ng kalakaran kung saan ang kanilang kaligtasan ay malalagay sa alanganin.

Sa ngayon, hinihintay pa ng palasyo ang tugon ng China kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, hindi pinupulitika ng Malakanyang ang insidente sa Recto Bank nang maghain ng diplomatic protest bagkus ay dismayado lamang dahil sa pag-abandona ng Chinese crew sa mga Filipinong mangingisda sa gitna ng karagatan.

Malinaw kasi na paglabag ito sa United Nations Convention Law on the Seas.

TAGS: Radyo Inquirer, Recto Bank, Salvador Panelo, West Philippine Sea, Radyo Inquirer, Recto Bank, Salvador Panelo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.