Kapitan ng F/B GEM-VIR1 hindi na muna makikipag-usap kay Pangulong Duterte
Hindi na matutuloy ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kapitan ng bangkang pangisda na lumubog sa Recto Bank.
Gagawin dapat ang pulong ngayong Lunes (June 17) matapos ang isasagawang pagdalo ni Pangulong Duterte sa anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite.
Magtutungo dapat ng Manila si Junel Insigne, kapitan ng F/B GEM-VIR1 para ikwento sa pangulo ang buong pangyayari noong June 9 sa Recto Bank.
Nasa biyahe na si Insigne mula San Jose, Occidental Mindoro patungong bayan ng Calapan nang tumawag sa kaniya ang kaniyang asawa at sinabing ‘wag nang tumuloy dahil kanselado naman ang special cabinet meeting.
Ayon sa pamilya ni Insigne, hindi na lang muna makikipag-usap sa pangulo ang kapitan ng barko dahil nakararanas pa ito ng trauma bunsod ng pangyayari.
Ang balita na may magaganap na pag-uusap sa pagitan ng pangulo at ni Insigne ay mula kay San Jose, Occidental Mindoro Romulo Festin.
Pero sa pahayag ni senator-elect Bong Go, wala namang naka-schedule na pakikipag-usap si Pangulong Duterte kay Insigne.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.