Habagat magpapaulan ngayong araw sa ilang bahagi ng Luzon
Maghahatid ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang Habagat sa Batanes, Babuyan Group of Islands at sa Palawan.
Sa 4AM weather forecast ng PAGASA, ang mararanasang malakas na pag-ulan sa nasabing mga lugar ay maaring magdulot ng pagbaha at landslides.
Samantala, sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang lagay ng panahon na may isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Sinabi ng PAGASA na ang mga daglian at malakas na buhos ng ulan na mararanasan lalo na sa hapon o gabi ay makapagdudulot din ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.