Water Caravan sisimulan sa San Juan mula ngayong araw para maghatid ng tubig sa mga barangay

Simula ngayong araw ay magrarasyon ng tubig ang lokal na pamahalaan ng San Juan sa mga residente nilang apektado pa rin ng water shortage.

Sa abiso ng San Juan City Government, simula ngayong araw, June 17 hanggang June 24, ala 1:00 hanggang alas 5:00 ng hapon ay magrarasyon ng tubig ang mga truck ng bumbero.

Kabilang sa mararasyunan ang mga sumusunod na barangay:

Isabelita
Corazon de Jesus
Pedro Cruz
St. Joseph
Tibagan
Little Baguio
Addition Hills

Ayon sa abiso, matatagpuan ang mga truck ng bumbero sa mga Barangay Hall.

Bahagi ito ng selebrasyon para sa nalalapit na Wattah! Wattah! Festival sa San Juan kasunod na rin ng nararanasan pang water shortage.

Read more...