Lalaki nang-agaw ng mikropono sa videoke; pinagsasaksak, patay!

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 02:19 AM

Nasawi sa pananaksak ang isang lalaki na nang-agaw umano ng mikropono sa isang videoke bar sa Siaton, Negros Oriental, Linggo ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Rosita Nemaria na inagawan siya ng mikropono ni Jesus Gainsan habang kumakanta sa videoke bar sa Barangay Uno.

Sa sobrang galit sa biktima ay sinaksak niya ito.

Sumaklolo pa ang anak ni Rosita na si Roger Nemaria at nagpang-abot sila ni Gainsan.

Sinubukan pang isugod sa ospital si Gainsan ngunit binawian din ng buhay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang mag-inang suspek.

TAGS: Negros Oriental, Siaton, stabbing incident, videoke, Negros Oriental, Siaton, stabbing incident, videoke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.