Lalaki arestado sa panunutok ng baril sa Pateros

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 01:55 AM

Timbog ang isang lalaki makaraang manutok ng baril sa Sta. Ana Kaliwa, Pateros.

Nagdiriwang lamang ng Father’s Day at graduation day celebration ang pamilya ni Mark Paul Ortiz nang magsumbong ang kanyang kaibigan na sinuntok siya ng kapitbahay nila Mark na si alyas ‘Jayson’.

Pinuntahan ni Mark ang kapitbahay at dito tumambad na nag-iinuman sina Jayson at mga kaibigan nito.

Pagkarating sa bahay ay agad niyakap si Mark ng mga kaibigan ni Jayson at tinutukan pa siya ng baril ng kanyang kapitbahay.

Nagsumbong agad ang pamilya Ortiz sa baranggay at agad na rumesponde.

Positibong nakuhaan ng baril na may mga bala si Jayson na nagmamakaawa at humihingi ng patawad sa nagawa.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na ituloy ang kaso upang hindi maulit ang pangyayari.

TAGS: nanutok ng baril, Pateros, nanutok ng baril, Pateros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.