Bagyong Nona lalo pang humina at isa na lamang tropical depression
Isa na lamang tropical depression ang bagyong Nona na huling namataan ng PAGASA sa 50 kilometers west ng Iba, Zambales.
Taglay na lamang ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras at halos nananatiling stationary o halos hindi kumikilos.
Inaasahang bukas ay hihina pa ang bagyo at magiging Low Pressure Area na lamang. Sa susunod naman na 48 oras ay posibleng tuluyan nang malusaw ang bagyong Nona.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Pangasinan at Zambales.
Ayon kay PAGASA Forecaster Glaiza Escullar, nagkakaroon ng convergence ang bagyong Nona sa hanging Amihan at ito ang naghahatid ng pag-ulan sa Northern at Central Luzon kasama na ang Metro Manila.
Hangga’t hindi aniya nalulusaw ang bagyong Nona ay magpapatuloy ang pag-ulan na hatid ng bagyong Nona at Amihan.
Samantala ang bagyong Onyok naman ay huling namataan sa 700 kilometers East Northeast ng Mati City sa Davao Oriental.
Posibleng bukas ng hapon o gabi ay maglalandfall sa Caraga Region ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.