Higit 2,100 pulis binabantayan sa posibleng kaugnayan sa drug trade, iba pang krimen

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 02:08 AM

Nasa 2,120 pulis kabilang ang isang opisyal ang kasalukuyang binabantayan at iniimbestigahan dahil sa umano’y kaugnayan sa kalakalan ng iligal na droga at iba pang masamang gawain.

Ayon kay Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) chief of staff Lt. Col. Renante Lamboj, nakatanggap sila ng impormasyon na isang police colonel ang nakikinabang sa illegal drug trade.

Hindi pa naman pinangalanan ni Lambojo ang nasabing police official.

Nasa 763 o 36 percent ng kabuuang bilang ang inaakusahan ng robbery o extortion habang ang natitira ay iniimbestigahan dahil sa iligal na droga, kidnapping, illegal gambling at iba pang gawain.

Karamihan umano sa mga pulis ay mula sa Metro Manila.

Nauna nang nakilala ang IMEG bilang Counter-Intelligence Task Force na ngayon ay ginawang national support unit para masipa sa serbisyo ang mga police scalawags.

Samantala, sinabi ni Lambojo na umabot na sa 106 police officers kabilang ang pitong opisyal at 194 silbilyan ang naaresto ng IMEG dahil sa mga paglabag.

Animnapu’t isa na ang nasibak sa serbisyo.

TAGS: Philippine National Police, PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group, police scalawags, Philippine National Police, PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group, police scalawags

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.