Sec. Cusi: Pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino boat hindi intensyonal

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 01:36 AM

Hindi umano intensyonal ang ginawang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank ayon kay Cabinet Officer Responsible for Development and Security – MIMAROPA at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ininspeksyon ni Cusi araw ng Linggo ang nabanggang F/B GEMVIR1 sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ani Cusi, kung intensyonal ang pagbangga, hindi ito magiging daplis lamang at dapat mas malala ang pinsalang natamo ng bangka.

“Kasi kung sasabihin natin kung talagang babanggain… napakabulok naman ng babangga, daplis lang… kung mean to kill, eh syempre ididiretso mo na,” ani Cusi.

Wasak ang likurang bahagi ng F/B GEM-VIR1.

Pero iginiit ni Jonel Insigne, kapitan ng bangka na sinadya ang pagbangga sa kanila at masakit anya sa kanila na sinasabing daplis lang ang nangyari.

Nagalit din ang asawa ni Jonel na si Lani, sa naging pahayag ng kalihim.

Ayon kay Lani, hindi man nakapag-aral ang kanyang asawa ay hindi ito sinungaling.

Tila gusto pa umano ng kalihim na mamatay ang mga mangingisda para lamang mapatunayang sila ay sinadyang banggain.

Sabi pa ni Felix Dela Torre, crew ng bangka, tila dinedepensahan pa ng gobyerno ang mga Chinese at parang sinasabing sinungaling ang mga mangingisdang Pinoy.

Samantala, sinabi ni Insigne na sa pagharap niya kay Pangulong Rodrigo Duterte, hihilingin niya ang tulong sa pagpapaayos sa bangka; ang pagpapanagot sa mga bumangga sa kanila; at ang pagbabawal sa mga Chinese sa Recto Bank.

TAGS: 22 Filipino fishermen, Cabinet Officer Responsible for Development and Security – MIMAROPA, Energy Secretary Alfonso Cusi, F/B GEM-VIR1., Recto Bank incident, 22 Filipino fishermen, Cabinet Officer Responsible for Development and Security – MIMAROPA, Energy Secretary Alfonso Cusi, F/B GEM-VIR1., Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.