Presyo ng mga produktong petrolyo tataas ngayong linggo

Matapos ang tatlong linggong sunud-sunod na rollback, may taas-presyo naman sa produktong petrolyo sa linggong ito.

Sa resulta ng trading sa world market noong nakaraang linggo, aabot sa P0.30 hanggang P0.40 ang itataas sa presyo ng gasolina habang P0.10 hanggang P0.20 sa kada litro ang diesel.

Ang kerosene o gaas ay tataas din ng P0.20 hanggang P0.30 kada litro.

Inaasahang mag-aanunsyo na ng kanilang taas-presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Kadalasang ipinatutupad ang oil price adjustments tuwing araw ng Martes.

Read more...