Angat Dam malapit na sa critical level; service interruptions posibleng ipatupad ng Manila Water

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 01:54 AM

Nag-abiso ang Manila Water araw ng Linggo sa posibilidad ng pagpapatupad ng rotational service interruptions dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at Ipo dams.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na sakaling hindi sapat ang mga pag-ulan ay posibleng maabot na ng Angat Dam ang 160-meter critical level for domestic water supply.

Nasa 162.78 meters ang antas ng tubig sa Dam hanggang kahapon.

Ayon sa Manila Water, kapag nagpatuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat at Ipo Dams, kailangang magpatupad ng contingency measures kabilang ang rotational water service interruptions sa kabuuan ng East Zone.

Layon nitong mapagkasya ang suplay ng tubig para lahat ng kanilang customers.

Maaayos naman umano ang sitwasyon sakaling may sapat nang ulan para mapuno ang mga dam.

TAGS: Angat Dam nears critical level, el nino phenomenon, manila water, water crisis, Angat Dam nears critical level, el nino phenomenon, manila water, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.