Sa datos ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management, ang total crime volume noong nakaraang buwan ay 38,284, mas mababa kumpara sa 42,527 noong May 2018.
Lumalabas din na bumaba ng 22.6 percent ang bilang ng mga index crimes na murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carjacking at cattle rustling sa 5,744 nitong May 2019 kumpara sa 7,421 noong May 2018.
Ang non-index crimes naman ay nabawasan din ng 7.32 percent mula 35,106 sa 32,450 noong nakaraang buwan.
Ang non-index crimes ay reckless imprudence resulting in homicide, reckless imprudence resulting in physical injury, reckless imprudence resulting in damage to property at paglabag sa special laws.
Sa isang pahayag araw ng Linggo, binati ni Interior Secretary Eduardo Año ang PNP sa pagsusumikap nitong wakasan ang kriminalidad sa bansa.
“Congratulations, PNP, for making our streets safer and making our people feel more secure. I urge you to continue your anti-crime initiatives with greater vigor and zeal,” ani Año.
Nagagalak din ang kalihim sa ginagawang mga hakbang ng PNP para linisin ang kanilang hanay mula sa mga pasaway at korap na police personnel.
“I would like to commend the PNP for its internal cleansing program aimed at ridding its ranks of misfits and scalawags,” dagdag ni Año.
Ayon pa kay Año, malaki ang naitulong ng PNP para maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.