Tony Mabesa ‘devastated’ sa nangyari kay Eddie Garcia

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 12:35 AM

Nagpahayag ng labis na kalungkutan ang beteranong aktor na si Tony Mabesa sa nangyari kay Eddie Garcia.

Nagkatrabaho sina Mabesa at Garcia sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Rainbow’s Sunset.”

Sa panayam ng PEP kay Mabesa sa nominees’ night ng 3rd Eddys sa Quezon City, sinabi nito na tila nawasak siya sa naganap sa co-star.

May halong galit din anya ang kanyang nararamdaman dahil sa pagkakapatid sa kable ni Garcia.

Giit ni Mabesa, action scene ang kinukuhaan nang maganap ang insidente na dapat ay cleared o maayos.

“Devastated. And angry in a sense, na bakit naman napatid [sa kable] ang Eddie Garcia? Eh alam naman nila, action scene… dapat ‘yun, kini-clear,” ani Mabesa.

Ang aktor ang tumanggap sa certificates of nomination nina Garcia para sa pagka-best actor, at Gloria Romero para sa pagka-best actress.

Ani Mabesa, kung maayos ang kondisyon ni Garcia ay malamang unang-una pa itong nakarating sa nominees’ night.

Inalala rin ng akotr kung paano sila inalagaan ni Direk Joel Lamangan habang ginagawa ang produksyon ng Rainbow’s Sunset.

Samantala, magaganap ang 3rd Eddys sa July 14, sa New Frontier Theater.

TAGS: 3rd Eddys, eddie garcia, Rainbow’s Sunset, Tony Mabesa, 3rd Eddys, eddie garcia, Rainbow’s Sunset, Tony Mabesa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.