PBA: Ginebra nakapagtala na ng 1,000 panalo

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 12:03 AM

Nagtala ng kasaysayan ang Barangay Ginebra matapos ang laban sa San Miguel Beer Linggo ng gabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Pinataob ng Gin Kings ang Beermen sa iskor na 110-107, overtime, para wakasan ang dalawang sunod na talo.

Ito na ang ika-1000 panalo ng koponan bilang franchise mula nang sumali sa liga noong 1979.

Ayon kay Ginebra import Justin Brownlee, hindi pangkaraniwan na maging bahagi ng Ginebra dahil sa taglay nitong popularidad at tagumpay.

“It’s special to be a part of a franchise like this, with the popularity it has and all the success,” ani Brownlee.

Si Brownlee ang nanguna sa panalo ng Ginebra kagabi matapos magpasiklab sa kanyang 39 points, 15 boards at 5 assists.

Masaya naman si veteran point guard LA Tenorio na maging bahagi muli ng isang makasaysayang achievement para sa Ginebra franchise.

Samantala pinangunahan naman ni Charles Rhodes ang Beermen sa kanyang 34 points at 12 rebounds.

TAGS: 000th win, 1, 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra, Justin Brownlee, San Miguel Beermen, 000th win, 1, 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra, Justin Brownlee, San Miguel Beermen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.