M3.0 na lindol naitala sa Davao Occidental

By Rhommel Balasbas June 17, 2019 - 01:31 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:55 Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 176 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 16 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

TAGS: Davao Occidental, magnitude 3.0 earthquake, PHIVOLCS-DOST, Sarangani, Tectonic earthquake, Davao Occidental, magnitude 3.0 earthquake, PHIVOLCS-DOST, Sarangani, Tectonic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.