Ilang bahay at establisimiyento sa Lucena, nasunog

Tinupok ng apoy ang isang residential area at ilang establisimiyento sa Lucena City, Quezon araw ng Linggo (June 16).

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 5:00 ng hapon at mabilis na kumalat sa bahagi ng Purok Central Red V.

Umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado 6:00 ng gabi.

Inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng sunog sa lugar.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung magkano ang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...