Dagdag na tauhan ng PCG sa West Philippine Sea, ikinakasa ng Malakanyang
Ikinakasa na ng Palasyo ng Malakanyang ang paglalagay ng karagdagang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Pahayag ito ng Palasyo matapos banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na dagdagan ang border patrols ng PCG para mapangalagan ang mga Filipinong mangingisda.
Kasabay nito, hinimok ng Malakanyang ang mga mangingisda na pumapalaot sa West Phililppine Sea na maging maingat, mapagmatyag at agad na i-report sa mga awtoridad kapag nakaranas ang hindi kanais-nais na insidente.
Ayon kay Panelo, masyadong malawak ang coastline ng Pilipinas.
Sa ngayon, apat na Coast Guard patrol lamang ang nagpapatrolya sa borders ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.