Mga bayan sa Nueva Ecija binaha, 64 na Brgy sa Cabanatuan City lubog sa baha

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon December 17, 2015 - 06:40 AM

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Nagsasagawa ngayon ng rescue operations sa maraming bayan sa Nueva Ecija at sa Cabanatuan City.

Ito ay matapos bahain ang Cabanatuan at ang mga bayan ng Gapan, Cabiao, San Antonio, Zaragoza at San Leonardo sa Nueva Ecija.San Vicente NE Erwin 3

Ayon kay Cabanatuan City Mayor Jay Vergara pahirapan ang rescue operations dahil sa mataas na tubig baha sa lugar na sa iba ay umabot ng lampas tao.

Ngayong umaga ay itutuloy ang gagawing rescue operations sa mga barangay sa Cabanatuan City.

San Vicente NE Erwin 4Sinabi ni Vergara na 64 na Barangay sa kanilang lungsod ang lubog sa baha.

Samantala, binalaan na ng pamunuan ng Angat Dam ang mga bayan sa Bulacan na maaring maapektuhan ng gagawing pagpapakawala ng tubig.

Inalerto na ngayon ang mga residente sampung bayan sa Bulacan na maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.

Partikular dito ang mga residente ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong at Hagonoy.

TAGS: flashflood hits nueva ecija and cabanatuan city, flashflood hits nueva ecija and cabanatuan city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.