Ilang biyahe ng Cebu Pacific, posibleng maantala bunsod ng lightning alert sa NAIA
Nag-abiso ang Cebu Pacific sa kanilang mga pasahero na posibleng magkaroon ng pagkaantala sa kanilang biyahe, araw ng Linggo (June 16).
Sa Twitter, sinabi ng airline company na ito ay bunsod ng pag-iral ng red at yellow lightning alert sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Itinaas ang red lightning alert dahilan para isuspinde ang ramp movement sa mga aircraft at ramp personnel sa NAIA dakong 2:24 ng hapon.
Paliwanag ng Cebu Pacific, hindi maaaring magpasakay o magpababa ng mga pasahero at bagahe sa kanilang mga eroplano.
Sinabi ng airline company na tumagal ng higit isang oras ang NAIA kasunod ng naranasang pag-ulan at kidlat.
Humingi naman ng paumanhin ang Cebu Pacific sa maidudulot nitong aberya sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.