Ayon sa pahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kabilang sa magbibigay ng tulong ang International Chamber of Commerce at Philippine Silk Road International.
Ibibigay aniya ang tulong sa 22 mangisngida para sa pagpapagawa ng nasirang bangka at pang-suporta sa kanilang kabuhayan.
Samantala, sinabi naman ni Henry Lim Bon Liong, presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na maaring magbigay ang kanilang hanay ng 2 hanggang P3 milyong ayuda.
Umapela si Liong sa publiko na maging mahinahon sa pagtugon sa insidente sa Recto Bank sa pangambang muling magkalamat ang relasyon ng Pilipinas at China.
Matatandaang naging malamig ang relasyon ng dalawang bansa noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea.