P1M ayuda, ibibigay sa 22 mangingisdang Pinoy na sangkot sa Recto Bank incident

By Chona Yu June 16, 2019 - 04:23 PM

P1 milyong ayuda ang ibibigay na tulong ng iba’t ibang grupo ng mga negosyante sa mga Filipinong mangingisda na binangga ang bangka ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa pahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kabilang sa magbibigay ng tulong ang International Chamber of Commerce at Philippine Silk Road International.

Ibibigay aniya ang tulong sa 22 mangisngida para sa pagpapagawa ng nasirang bangka at pang-suporta sa kanilang kabuhayan.

Samantala, sinabi naman ni Henry Lim Bon Liong, presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na maaring magbigay ang kanilang hanay ng 2 hanggang P3 milyong ayuda.

Umapela si Liong sa publiko na maging mahinahon sa pagtugon sa insidente sa Recto Bank sa pangambang muling magkalamat ang relasyon ng Pilipinas at China.

Matatandaang naging malamig ang relasyon ng dalawang bansa noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea.

TAGS: China, International Chamber of Commerce, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Silk Road International, Pilipinas, Recto Bank, West Philippine Sea, China, International Chamber of Commerce, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Silk Road International, Pilipinas, Recto Bank, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.