3 tulak ng droga, timbog sa magkahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija
Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija, araw ng Sabado (June 15).
Magkatuwang ang pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing operasyon.
Sa bayan ng San Antonio, naaresto ang suspek na si Mark Francis Bondoc, 21-anyos, makaraang mabilhan ng pulis na nagsilbing poseur-buyer sa operasyon sa Barangay Cuyapo bandang 9:30 ng umaga.
Nakuha ng mga otoridad kay Bondoc ang limang pakete ng shabu.
Samantala, nabilhin din ng mga pulis ng ilegal na droga si Mark Alvin Mangaoang, 34-anyos, sa operasyon sa bahagi ng Palayan habang si Junie Larioza, 34-anyos, sa bayan naman ng Zaragoza.
Tig-dalawang pakete ng shabu ang nakuha kina Mangaoang at Larioza.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.