Rockets superstar James Harden, muling bibisita sa Pilipinas sa Hunyo

Magbabalik-Pilipinas ang Houston Rockets superstar na si James Harden sa buwan ng Hunyo.

Ito ay para sa idaraos na ‘Free to Harden’ event ng isang international sportswear manufacturer sa SMX Convention Center sa Pasay City sa June 26.

Sa naturang event ay magkakaroon ng pagkakataon ng mga tagahanga ni Harden para mas lalong makilala ang NBA star player.

Unang dumating si Harden sa Pilipinas nang magsagawa ng exhibition games ang ilang NBA stars laban sa Gilas Pilipinas at PBA All-Stars taong 2011.

Ito na ang ikaapat na pagbisita ng manlalaro sa Pilipinas.

Read more...