Malawakang kilos-protesta sa Hong Kong, nagpatuloy pa rin
Tuloy ang pagdaraos ng malawakang kilos-protesta sa Hong Kong, araw ng Linggo (June 16).
Iyan ay kahit nagpasya na ang pamahalaan ng Hong Kong na suspendihin ang pag-iral ng extradition sa mga suspected criminal.
Hiling ng mga protest leader ang pagbibitiw ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam at permanente nang huwag ipatupad ang nasabing panukala na dalhin ang mga suspected criminal sa mainland China upang doon litisin.
Una nang iniatras ni Lam ang desisyon na nagbunsod ng malawakang pagkilos ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Paliwanag ni Lam, nais na lamang niya na tutukan ang mga bagay na magpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang bansa.
Kamakailan lamang, milyun-milyong mamamayan ng Hong Kong ang nagkaisa upang kalampagin ang kanilang gobyerno at ipakita ang pagtutol sa extradition bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.