LOOK: Sorpresang handog ng LRT-2 para sa mga tatay ngayong Father’s Day

By Angellic Jordan June 16, 2019 - 03:05 PM

Naghandog ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng sorpresang regalo sa mga tatay kasabay sa pagdiriwang ng Father’s Day.

Sa Twitter, ibinahagi ng LRT-2 ang mga larawan kung saan tumanggap ang ilang tatay ng loot bags.

Nakapaloob sa mga bag ang mga tasa na mayroong quotes para bigyang-pagkilala ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

Maliban dito, nag-alay din ng mga kanta para sa mga haligi ng tahanan.

Nagsimulang ipamigay ang mga regalo sa Recto at Santolan Station mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Nabigyan din ang ilang tatay sa bahagi ng Cubao Station bandang 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

TAGS: Father's Day, LRT 2, Father's Day, LRT 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.