Special cabinet meeting, hindi tuloy sa Lunes – Medialdea

By Clarize Austria June 16, 2019 - 02:42 PM

Ikinansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat sanang espesyal na pagpupulong ng mga cabinet member sa Lunes, June 17.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, napagdesisyunan ito isang oras bago nagsabi ang mga kalihim patungkol sa pulong.

Bago ito, nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pag-uusapan ng pangulo at kaniyang gabinete ang nangyaring banggaan sa mga barko ng Tsina at Pilipinas noong June 9.

Ang insidenteng ito ay nag-iwan sa 22 Filipinong mangingisda na palutang-lutang sa karagatan at isinalba ng Vietnamese fishing vessel.

Matatandaang nagsampa na ng diplomatic protest ang Pilipinas ukol sa insidente.

TAGS: Rodrigo Duterte, Salvador Medialdea, special cabinet meeting, Rodrigo Duterte, Salvador Medialdea, special cabinet meeting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.