Construction worker huli sa pagbenta ng marijuana sa QC
Huli sa aktong nagbebenta ng marijuana ang isang construction worker ng bumili ang isang asset ng otoridad na nagpangap bilang drug buyer.
Nakilala ang suspek na si Paul Oscar Bosnian Magpayo, 28-anyos, residente ng Quezon City at kasama sa drug watch list.
Nakuha sa suspek ang dalawang maliliit sa transparent plastic sachet na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at isang P500.00 na ginamit bilang buy-bust money.
Ayon sa pulisya, ginawang ang buy-bust operation sa Brgy. Pinyahan Quezon City, ala-1:45, Biyernes ng hapon, June 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.