Kinilala ang mga biktima na sina Christian Llaneta Nuera alyas Oron, 28-anyos at Regina Afable Orbes, 41- anyos.
Sa imbistigasyon ng pulisya, pinatay si Nuera sa loob ng kaniyang bahay sa Purok Trade, Brgy. Ibabang Iyam ng dalawang lalaking suspek.
Ayon kay Chris Chenery Dinglasan Datinguinoo, ka live-in partner ni Nuera, hiningi ng mga suspek ang droga at binaril ito sa noo dahilan ng pagkasawi nito.
Samantala sa Purok Atis, Brgy. Mayao Crossing naman, pinagbabaril si Orbes nga riding in tandam hanggang sa masawi ito.
Nagpapatuloy parin ang gingawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente para matungkoy kun ano ang dahilan sa pamamaslang at pagkakakilalan ng mga suspek.