Magpinsan, timbog sa aktong pagbenta ng droga sa Quezon City

By Noel Talacay June 16, 2019 - 01:44 PM

Arestado ang dalawang lalaking magpinsan matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Quezon City Talipapa Police Station.

Nakilala ang mga suspek sa alyas Mario, 35-anyos, isang tricyle driver at alyas Anthony, 38-anyos at isang construction worker.

Sa paunang ulat ng pulisya, nagpanggap ang isang police asset bilang drug buyer. nang makomperma, agad ng inaresto si Mario at di namam na kapalag ang pinsan nitong si Anthony.

Maliban sa nabiling shabu ng police asset, nakuha rin sa loob ng bahay ng mga suspek ang tatlo pang sachet na hinihinalng shabu.

Itinangi ni Mario na may bentanhang naganap ngunit aminado ang dalawang suspek na gumagamit sila ng pinagbabawal na gamot.

Napagalaman na si alyas Mario ay nakulong na rin dati sa kaparehong kaso.

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Quezon City Talipapa Police Station, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., buy bust operation, Quezon City Talipapa Police Station, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.