P3.4M shabu, nasamsam sa Pasig

Nakumpiska ang mahigit P3.4 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu na may bigat na 1/2 kilo sa ginawang bus-bust operation sa Pasig city.

Nakuha sa mga suspek na sina alyas Mark, 28 anyos, at alyas Patricia, 18 anyos na mag live-in partner.

Ikinasa ng Quezon City Police District ang buy-bust operation sa Barangay Manggahan sa nasabing lungsod.

Nahuli ang dalawa nang ituro ito ng mga suspek na unang nahuli ng pulisya sa Cubao, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at sasampahan ng kaso sa paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Read more...