Ito ay kung hindi kakasuhn ng NBI at CIDG si Pastor Joel Apolinario at iba pang personalidad na nasa likod ng kapa ministry.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Danny Mangahas, convener ng Ahon sa Kahirapan Movement ng Kapa ministry na ito ay dahil sa danyos na ginawa ng pamahalaan dahil sa pagpapasara sa operasyon ng kanilang organisasyon.
Pinag-aaralan na aniya ng legal department ng Kapa ministry kung anong partikular na kaso ag isasampa sa korte at kung sinu-sino ang mga kakasuhan.
Sa ngayon, wala pang inihahaing kaso ang NBI at CIDG sa korte laban kay Apolinario.
Hamon ni Mangahas sa NBI at CIDG, agad nang ihain ang kaso para mabigyan ng due process ang kanilang hanay.